| |

Reginne Poquita Limbaga holding her carved
trophy, flanked by Mamala, Feelmore Cadavedo, and Marielle
Zinna Lacaya. At the back are some members of the ushering
team. Foto MOM GINA
|
|
Talumpati
Ng Taon is a joint yearly presentation of Ang Sandigan,
Pan Hellenic Society, and Departmento ng Filipino of
Silliman University, Dumaguete City.
This
year's eleventh edition has for its theme: "Wikang
Filipino, Mananatiling Pag-asa sa Pagkakaisa ng Bawat
Pilipino." The most-awaited battle of the best
speakers took place on Aug. 11, 2007 at Claire Isabel
McGill Luce Auditorium of the world famous foundation
university. The three-hour activity was carried live
over Energy FM, Sky Cable, and Negros Chronicle.
|
Among
the nine finalists is 17 year old Reginne Poquita Limbaga,
a freshman nursing Coed of Silliman University. Reg as she's
fondly called, is a Boholana by birth and heart, the eldest
child of Engr. Rey S. Limbaga of Dipolog City and Gina Maria
Poquita Limbaga of Lindaville Subd. Ph. I, Tagbilaran City.
The
board of judges, composed of Rev. Noel Villalba, chairman;
Ernest Deleacar and Jeannette Piñero-Hurtado, members,
picked three best speakers namely; Jaan Raj I. Barrera, first
place; Reginne Poquita Limbaga, second place; and Nikko Paolo
R. Cablao, third place. Let me share to our readers the full
text of Reginne's second best piece.
Sa isang bansang binubuo ng libu-libong pulo na may iba't-ibang
kultura at tradisyon, isang wika ang nagbubuklod at nagbibigkis
sa mga tao, isang wikang nananalaytay sa dugo ng bawat Pilipino,
siyempre ano pa kundi, Wikang Filipino.
Madlang
bayan, lupon ng inampalan, kapwa ko mga kabataan, Ako ang
anak ng Bisaya na bumabati sa inyo ng "Magandang Gabi."
Mga
kapuso at kapamilya, wala ba kayong napapansin? Nakikita o
naririnig sa paligid?
|
|
|
Hayaang
ipahatid ko sa inyo ang nais kong iparating. Sa pag-inog
ng panahon ay unti-unting nababahiran ng wikang dayuhan
ang ating pananalita. Nakalulungkot isipin, na tayong
mga Pilipino rin ang unti-unting pumapatay sa sarili
nating wika. Masakit isipin na ang mga kabataan ngayon,
lalo ng ang nasa murang edad ay namulat na sa paggamit
at pagbigkas ng wikang banyaga. At kung pakalilimiin
natin ang sinabi ni Gat Jose Rizal, na ang mga kabataan
ang pag-asa ng ating bayan, nasaan na ang pag-asa?
Ang
pag-asang mananatiling buhay sa isip at puso ng mga
kabataan sa darating na mga araw, ang Wikang Filipino.
Masyado na nating niyakap ang wika ng ibang bansa, gaya
ng wikang Ingles, hindi ba ito nakababahala?
|
Oo,
ang wikang Ingles ay may malaking ginagampanan sa ating buhay
at sa ating bansa, lalung lalo na sa aspetong pangkalakalan
at ugnayang diplomatiko. Ngunit hindi ibig sabihin, na isantabi
na natin ang paggamit at pagbigkas ng wikang nagsilbing kaluluwa
ng ating Inang Bayan. Ngunit, paano natin ito malulutasan?
Ang sa akin naniniwala ako na ang ating mga guro sa asignaturang
Filipino ay makatutulong nang mahigit sa pagpapatupad at pagtuturo
ng wastong paggamit at pagpapahalaga sa Wikang Filipino. Ang
mga guro at edukador ay puspusang nagsasaayos ng mga gawain
sa pagtuturo upang maging kawili-wili, maayos, at makabuluhan
ang pag-aaral ng ating sariling wika.
Maging
sa makabagong panahon, ang mga batayang aklat sa mga paaralan
ay magsisilbing mahalagang kasangkapan sa pagtuturo at layunin
ng mga aklat na ito na paunlarin ang kaalaman ng mga mag-aaral
sa epiktibong pagpapahayag, ginagamit ang sariling wika, sa
iba't ibang sitwasyon na sumasaklaw sa apat na lawak ng komunikasyon;
ang pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, at pagsusulat. Ngunit
hindi lamang sa apat na sulok ng silid-aralan, mababatid ang
kahalagahan ng wika. Ang Wikang Filipino ay siyang ginagamit
ng ating mga kapatid sa malalayong lalawigan na kadalasan
ay hindi naabutan ng makabagong paraan ng komunikasyon, sila
ay nagkaiintidihan at nagkauunawaan dahil sa isang wika, salamat
sa Wikang Filipino.
Napakahalaga
ang pag-uugnayan at pagkakaisa gamit ang sariling wika, iba-iba
man ang antas ng ating buhay. Ang mga kaalaman at kasanayan
ay nararapat na patnubayan ng pagpapahalagang moral at ispiritwal
bilang Pilipino. Kaya sa bawat aralin ng wika at pagbasa,
bibigyang diin ang mga pagpapahalagang huhubog sa mga kabataan
upang maging maka-Diyos, makatao at makabansa.
Sa
paraang ito, buo ang aking paniniwala na ang Wikang Filipino
ay manatiling pag-asa sa
pagkakaisa ng mga mamamayang Pilipino, ang wikang minana natin
sa ating mga ninuno, ating yaman, ating buhay. Ang Wikang
Filipino, sagisag ng ating Inang Bayan, Wikang nagpakikilala
at nagbibigkis sa ating pinag-ugatang lahi. Mabuhay tayong
mga Pilipino, Isang Wika, Isang Bansa tungo sa kaunlaran at
nagkakaisa.
|